收聽Juan Karlos的Sampaguita歌詞歌曲

Sampaguita

Juan Karlos, Gloc-92023年6月26日

Sampaguita 歌詞

Sampaguita - Juan Karlos/Gloc-9

Lyrics by:Juan Karlos Labajo/Aristotle Polistico

Composed by:Juan Karlos Labajo/Aristotle Polistico

O aking sinta

 

Pasensya ka na kung ang makapiling ka ay hindi ko magawa

Hawak-hawak lagi ay larawan ng iyong mukha

Napakahirap ang bumuhat ng lungkot na malubha

Sa tuwing may okasyon ay wala ako palagi

Kay dami ng taon ng kailangan kong mabawi

Nagdaang mga pasko bagong taon at araw

Ng mga pusong di kita makuhang madalaw

At maabutan manlang ng paborito mong bulaklak

Pag kausap ka'y hindi ko mapigilang maiyak

Sa mundong di sigurado isa lamang ang tiyak

Mag isa ka lang ng isinilang mong ating anak

Nangungulila hanggang sa tumila ang ulan

Mga sana na mahirap ng bilangin kung ilan

Sa pagkain sa labas ay di kita masabayan

At sa paglubog ng araw di kita matabihan

Kung kahit saan man mapadpad

 

Sayo pa rin ako babalik giliw

 

Sa halimuyak ng 'yong paboritong sampaguita

 

Uuuu

 

Sa halimuyak ng 'yong uuu

 

Anak kaarawan mo na ulit

Wag mong kalimutang suotin ang bago mong damit

Tandaan mo lagi kahit di tayo magkalapit

Naalala ka ni tatay tuwing ako'y pumipikit

Patawarin mo ako anak kung hindi kita

Masamahang magpalipad ng gawa mong saranggola

O lumangoy sa batis na katulad ng iba

At mapunasan ka ng pawis kapag nagbibisikleta

Magbutones ng uniporme mo sa unang araw

Ng pasok sa eskwela puso ko'y nag uumapaw

Sa tuwa dahil ganyan ganyan ako noon

Ngunit agad napapaluha pag ika'y nagtatanong

Kailan ka uuwi sakin ay binubulong

Sagot na bukas na anak ay palaging nakakulong

Sa pagkatbo'y madadapa minsan ay masasaktan

Pero sugat mo sa tuhod hindi ko mahalikan

Kahit saan man mapadpad

 

Sayo pa rin ako babalik giliw uh

 

Sa halimuyak ng 'yong paboritong sampaguita

 

Lalalala

 

Sa halimuyak ng 'yong paboritong sampaguita

 

Aaa lalala

Sa halimuyak aaa ng 'yong

 

Dumating ng araw na aking pinakahihintay

Malapit ng magsimula ang aking paglalakbay

Pabalik saking pamilya kahit napakalayo

Mula sa lugar na para kumita ay dinayo

Lahat ng pasalubong ko ay nasa kahon na

Tsokolate at laruan pati sabong panlaba

Eroplano'y lumapag na ako lamang mag isa

Ang bibyahe pauwi para masurpresa sila

Kaso nang sumakay ako ng taxi ay para bang tila iba

Ang tingin sakin ng mama na sa manibela malayo akong dinala

Nung tanungin ko teka muna pare ay bigla na lamang syang natawa

Nag iba'ng aking kaba teka bakit may pumasok pa na dalawa

Hanggang hinawakan ako sa balikat ng isa na may tangan na patalim

Pilit inaagaw ang dala kong bag na pinakatatago ko ng palihim

Dahil ang laman nito ay ang lahat

Ng mga araw na ako'y nakatingin

Sa bituin kahit madilim pero bakit sa dulo ako pa rin

Kahit saan man mapadpad

Sayo pa rin ako babalik

 

Babalik giliw

 

Sa halimuyak

 

Sa halimuyak ng 'yong

 

Paboritong sampaguita

 

Sampaguita

 

Sa halimuyak

 

Ng 'yong paboritong sampaguita

 

Laa lalala

 

Sa halimuyak

Sa halimuyak

Ng 'yong

 

Sampaguita