
Ako Muna 歌詞
Ako Muna - Yeng Constantino (顏·康斯坦丁諾)
Lyrics by:Yeng Constantino
Composed by:Yeng Constantino
Minsan parang 'di pag-ibig ang sagot
Kahit na sa pag-iisa ay nababagot
Aanhin ko ang paghahanap ng magmamahal
Kung sa sarili ko ay 'di pa masaya
Mabuti nang mag-isa
Nang makilala ko muna ang sarili
Pag-ibig muna para sa akin
Mabuti nang mag-isa
Nang 'di ko sa iba lungkot sinisisi
Kailangan ko lang
Ako muna
Minsan alam kong lungkot ay kakatok
Ngunit kailangan kong tatagan ang loob
Aanhin ko ang pagbibigay ng pagmamahal
Kung ang sarili ko'y mapapabayaan
Mabuti nang mag-isa
Nang makilala ko muna ang sarili
Pag-ibig muna para sa akin
Mabuti nang mag-isa
Nang 'di ko sa iba lungkot sinisisi
Kailangan ko lang
Ako muna
Paano ko magmamahal
Kung 'di ko kayang mahalin ako
Ngayon bukas mapapagod din lang
Mabuti nang mag-isa
Nang makilala ko muna ang sarili
Pag-ibig muna para sa akin
Mabuti pang mag-isa
Nang 'di ko sa iba lungkot sinisisi
Kailangan ko lang
Ako muna
Ako muna