
Paano Kaya Magtatagpo 歌詞
Paano Kaya Magtatagpo - Vina Morales/Piolo Pascual/Nathanael Arnel De Pano
Written by:N. Arnel/A. De Pano/Piolo Pascual
Matagal na 'kong naglilihim sa iyo
Hangga't maari nga'y aking tinatago
Ang totoong damdamin
Ibig kitang makapiling
Kahit na iba ang kasama ko
Kung alam mo lang ang nararamdaman
Ikaw ang laman ang aking puso't isipan
Kay tagal nating magkakilala
Ngayo'y iba man ang kasama
Naghihintay lang naman ako sa iyo
Sana naman tayong dalawa
Pagtagpuin ng tadhana
Nang di na mawalay pa ang ating puso
Sana naman balang araw
Magmamahalan ako't ikaw
Paano kaya magtatagpo ang ating puso
Paano kaya magtatagpo
Nandito lang ako
Naghihintay ng pagkakataong
Ipadama sa iyo na kita'y iniibig
Subukan kaya natin
At baka ngayon sakaling
Tayo'y talagang laan sa isa't isa
Sa isa't isa
Sana naman tayong dalawa
Pagtagpuin ng tadhana
Nang di na mawalay pa ang ating puso
Sana naman balang araw
Magmamahalan ako't ikaw
Paano kaya magtatagpo ang ating puso
Paano kaya magtatagpo
Sana naman tayong dalawa
Pagtagpuin ng tadhana
Nang di mawalay pa ang ating puso
Kahit kailan balang araw
Kahit kailan ako't ikaw
Kahit paano'y magtatagpo ang ating puso
Tayong dalawa'y magtatagpo