收聽Sugarfree的Ang Pinakamagaling Na Tao Sa Balat Ng Lupa歌詞歌曲

Ang Pinakamagaling Na Tao Sa Balat Ng Lupa

Sugarfree2014年1月27日

Ang Pinakamagaling Na Tao Sa Balat Ng Lupa 歌詞

Ang Pinakamagaling Na Tao Sa Balat Ng Lupa - Sugarfree

Nandito na sya

 

Nandito na sya

 

Maniwala ka na lang sa kanya

 

Pag sya na ang nagsasalita

 

Wag ka na lang mag-alala

 

Dahil mali ka at lagi syang tama

Lahat na yata ng iyong sabihin

 

Kayangkaya nyang kontrahin

 

Wala na yata syang di kayang gawin

 

Wala na yata syang kasinggaling

 

Heto na sya ang henyo ng henerasyon

 

Kaya mga kaibigan magpalakpakan

 

Lumuhod sa kanyang harapan

Halikan ang kalsadang kanyang dinadaanan

 

Heto na sya ang pinakamagaling na tao

Sa balat ng lupa

 

Ang laki siguro ng utak nya

 

Wala nang librong di pa nababasa

 

Siguro di sya tao

Alam na nya ang bawat sulok ng mundo

 

Kahindik hindik ang nalalaman

 

Sa mga bagay na

Kailan man ay hindi pa nya nararanasan

 

Hindi masukat ang kanyang kagalingan

 

Kaya mga kaibigan magpalakpakan

 

Lumuhod sa kanyang harapan

Halikan ang kalsadang kanyang dinadaanan

 

Heto na sya ang pinakamagaling na tao

Sa balat ng lupa

 

Kamukha na nya si ernie baron

 

May biyak din sa gitna ang barong

 

May kasagutan sa bawat katanungan

 

Kahit wala namang nagtatanong

 

Di bale nang wala syang kaibigan

 

Dahil hamak lamang tayong tagalupa

Gawan na natin sya ng rebulto

 

At ilagay sa tuktok ng mundo

 

Kaya mga kaibigan magpalakpakan

 

Lumuhod sa kanyang harapan

Halikan ang kalsadang kanyang dinadaanan

 

Heto na sya ang

Kaya mga kaibigan magpalakpakan

 

Lumuhod sa kanyang harapan

Halikan ang kalsadang kanyang dinadaanan

 

Heto na sya ang pinakamagaling

 

Ang pinakamagaling

 

Ang pinakamagaling na tao

 

Sa balat ng lupa