收聽Eraserheads的Tindahan Ni Aling Nena歌詞歌曲

Tindahan Ni Aling Nena

Eraserheads2006年8月16日

Tindahan Ni Aling Nena 歌詞

Tindahan Ni Aling Nena - Eraserheads

Written by:Ely Buendia/Ed Formoso

Isang araw

 

Pumunta ako sa tindahan ni Aling Nena

Para bumili ng suka

 

Pagbayad ko aking nakita

Isang dalagang nakadungaw sa bintana

 

Natulala ako laglag ang puso ko

Nalaglag rin ang sukang hawak ko

Napasigaw si Aling Nena

Ako naman ay parang nakuryenteng pusa

 

Ngunit natanggal ang hiya nang

Nakita ko na nakatawa ang dalaga

 

Panay ang sori ko sa pagmamadali

Nakalimutan pa ang sukli ko

Pagdating sa bahay nagalit si nanay

Pero oks lang ako ay in love

Bago na 'to 'nay

Tindahan ni Aling Nena

Parang isang kuwentong pampelikula

Mura na at sari sari pa ang itinitinda

Pero ang tanging nais ko ay di nabibili ng pera

Pumunta ako sa tindahan kinabukasan

Para makipagkilala

 

Ngunit sabi ni Aling Nena

Habang maaga'y huwag na raw akong umasa

 

Anak niya'y aalis na

Papuntang Canada

Tatlong araw na lang ay babay na

Tindahan ni Aling Nena

Parang isang kuwentong pampelikula

Mura na at sari sari pa ang itinitinda

Pero ang tanging nais ko ay di nabibili ng pera

Hindi mapigil ang damdamin

Ako'y nagmakaawang ipakilala

 

Payag daw siya kung araw araw

Ay meron akong binibili sa tindahan n'ya

 

Ako'y pumayag at pinakilala niya

Sa kanyang kaisa isang dalaga

Ngunit nang makilala

Siya'y tumalikod na

At iniwan akong nakatanga

Tindahan ni Aling Nena

Parang isang kwentong pampelikula

Mura na at sari sari pa ang itinitinda

Pero ang tanging nais ko ay 'di nabibili ng pera

Tindahan ni Aling Nena

Dito nauubos ang aking pera

Araw araw ay naghihintay

O Aling Nena plis naman maawa na

 

Alam n'yong nangyari

 

Walaaaa walaaa walaa o diyos ko

 

 

Ahhhh walaaaa aaaah