收聽Flippers的Hindi Ako Iiyak歌詞歌曲

Hindi Ako Iiyak

Flippers, D. Subido, L. Berrie1994年6月17日

Hindi Ako Iiyak 歌詞

Hindi Ako Iiyak - Flippers

Written by:D. Subido/L. Berrie

Kapeng aking tinitimpla

Lagi ngayong lumalamig

Hindi ko malaman kung kulang sa tamis

Tasang walang kibo sa aki'y nakatitig

Ako't siya'y naghihintay masagi ng iyong bibig

Buhok na mahaba

Iniingat ingatan ko

 

Noong isang linggo'y pinaputulan mo ito

 

Marahil ay pagod lamang ang aking isipan

At hindi ko napansin at hindi pinutulan

H'wag kang magalala di ako iiyak

 

Hindi magdaramdam kahit na ga patak

Pag ibig na minsan na ating dinanas

 

Sa tulad kong putik tama na at sapat

 

Pintong dati rati'y bukas ang aking pag dating

 

Ngayo'y naka sara at panangga sa hangin

 

Kung ako ay dumalaw at ito ay katukin

Kahit mahina pa sana ay iyong sagutin

 

Kay linis ng silid walang nagkakalat

 

Medyas at sigarilyo'y walang nagkakalat

 

Sanggol na nasanay nasanay sa ama

 

Ngayo'y natutulog kahit nag iisa

H'wag kang magalala di ako iiyak

 

Hindi magdaramdam kahit na ga patak

Pag ibig na minsan na ating dinanas

Sa tulad kong putik tama na at sapat

 

H'wag kang magalala di ako iiyak

 

Hindi magdaramdam kahit na ga patak

Pag ibig na minsan na ating dinanas

 

Sa tulad kong putik tama na at sapat

 

Sa tulad kong putik tama na at sapat

 

 

Hmmmm