Alaala 歌詞
Alaala - Bert Dominic
Lyrics by:Bert Dominic
Composed by:Francisco Canaro
Nang ika'y umalis o aking hirang
Nadama ko'y laging kalungkutan
Hinahanap hanap kitang palagi
Sa pag-asang muling babalikan
At lumipas nga ang maraming araw
Sa pangakong ako ay maghintay
Nang bigla ko na lang nabalitaan
Di ka na babalik kailan pa man
Kay sakit ng nangyari sa aking buhay
Buhat ng iyong iniwan
Di ko sana binayaan
Ang pag-ibig ko'y masayang
Kung maibabalik ko lang
Ang ating nagdaan
Nagsasalo-salo sana tayo ngayon sa ligaya
Ngunit wala ka na
Nabubuhay na lang sa iyong alaala
Di ko sana binayaan
Ang pag-ibig ko'y masayang
Kung maibabalik ko lang
Ang ating nagdaan
Nagsasalo-salo sana tayo ngayon sa ligaya
Ngunit wala ka na
Mabubuhay na lang sa iyong alaala