Sigpit 歌詞

Sigpit - Cesca/Francesca Johnnae "Cesca" Chua Mahusay

Composed by:Francesca Johnnae "Cesca" Chua Mahusay

Produced by:Roque “Rox” Santos

At muling babalik

Sa tinutuluyan kong

Na maliit na sigpit

 

Kung saan walang hanggan

Ang pagtulo ng

Luha mula kisame

At basa walang sawa

Ang kaingayan ng paniki

 

Sila lang ang nakakaalam ng

Lahat ng sakit at pighati

 

Ngunit narinig muli

 

Ang 'yong musika

 

Pa'no bang 'di lumapit

 

Kung nand'yan ka na

 

Pagod na sa mga sabit

Puso ko'y isasara

 

At kahit anong kalabit

 

Ay 'di kita papansinin

Na naman 'di alam ano

Bang mangyayari

Sa'king hinliliit

 

Buhat niya ang pangako

Na aking ginawa

Na kailanman 'di

Ako mawawalay sa'yo

Sa biglaang pagtago na

Magbibigay daan

Sa aking paglaho

Nasabi ko naman

Pagpasensyahan mo lang

Na ito ang

Aking nakasanayan

 

Ngunit 'di mo tinigil

Ang 'yong musika

 

Sinubukan mo pa ring

 

Tanungin kung pwede bang

Muling ku kausapin ka

 

Tungkol sa'ting dalawa

 

Mga pangakong kay dali

Lang nalimutan

Sa ating huling usapan

Sinadyang magkaaminan

At 'di ko inaasahang

Nagawang harap-harapan

Sabi mo mayro'ng saysay

Ang ating munting salaysay

Ngunit 'di naagapan ng oras

 

Nangyari na ang lahat

 

Nangyari na'ng lahat

 

At nang marinig

Muli ang 'yong musika

 

Parang 'di ko na

Kayang magpaalam pa

 

Sabi nga ni Bathala

'Di ngayon ang tinakda

 

Balang araw ay sana

 

Maiisayaw kita