收聽Asop的Dinggin Mo Oh Dios歌詞歌曲

Dinggin Mo Oh Dios

Asop, Reymond Sajor2020年8月7日

Dinggin Mo Oh Dios 歌詞

Dinggin Mo Oh Dios - Asop/Reymond Sajor/Chris Bautista

Composed by:Chris Bautista

Mga salang 'di mabilang

Ikaw ang tumubos

 

Biyaya at pagliligtas

Iginawad mong lubos

Dahil sa'yong paglingap

At pag-ibig na taos

 

Pagpapasalamat ng

Puso'y 'di matatapos

 

Nananabik ang puso na

Ika'y makapisan

 

Kadakilaan ng iyong

Pangako sana'y makamtan

Pagdating ng sandaling

Aking inaasam-asam

 

Galak ng aking puso

Ay 'di mapaparam

 

Dinggin mo oh

Diyos ang alipin mo

 

Umaawit ng papuri

Inaalay sa'yo

Umaasa sumasamo

Na ipagsasama mo

Sa 'yong kahariang langit

Na s'yang pangarap ko

 

Ang iyong kataasang sa

Akin ay umaabot

 

Sa tuwina ay inaalala

Na ako'y mula sa alabok

Sa pamamagitan ng mga

Salita mong subok

 

Daing ng aking kaluluwa'y

Nabigyan ng sagot

 

Dinggin mo oh diyos

 

Ang alipin mo

Umaawit ng papuri

Inaalay sa'yo

Umaasa sumasamo

Na ipagsasama mo

Sa 'yong kahariang langit

Na s'yang pangarap ko

 

Sapagkat ika'y magandang

Loob at mapagpala

Banayad sa galit at

Hatol mo'y 'di matingkala

Gumagalang sa mababa

Mapagbiyaya

Karununga'y 'di malirip

Sa iyong mga gawa

Dinggin mo oh diyos

Ang alipin mo

 

Umaawit ng papuri

Inaalay sa'yo

Umaasa sumasamo

Na ipagsasama mo

Sa 'yong kahariang langit

Na s'yang pangarap ko

Dinggin mo oh diyos

 

Ang alipin mo

Dinggin mo

Umaawit ng papuri inaalay sa'yo

Umaasa sumasamo na ipagsasama mo

Sa 'yong kahariang

Langit na s'yang pangarap ko

 

Sa langit mong pangarap ko