Hiram Na Alaala 歌詞
Hiram Na Alaala - Aicelle Santos
Written by:Jon Vera
Araw at gabi ako'y nagdarasal
Na sana'y magbalik ang iyong pagmamahal
Na ang pangako mo'y di ako iiwan
Di ako papabayaan
Magpakailanman
Ang tadhana ba ay sadyang mapagbiro
Pagmamahalan natin ay saan ba patungo
Hiram na alaala
Bakas ng kahapo'y tila nalimutan mo na
Pag ibig na minsa'y ating pinagsaluhan
Ngayon ay nasaan na
Hiram na alaala
Pangakong hawak natin sa isa't isa
Mayron pa bang pag asa itong puso kong nangungulila
Sana'y manumbalik ang hiram na alaala
Sinisigaw ng aking puso
Na tayong dalawa ay di magkalayo
Bakas ng ating sumpaan
Na ang mundo'y atin lamang
Higpit ng yakap
Tamis ng halik
Ang hinihintay ko sa yong pagbabalik
Hiram na alaala
Bakas ng kahapo'y tila nalimutan mo na
Ang pag ibig na minsa'y ating pinagsaluhan
Ngayon ay nasaan na
Hiram na alaala
Pangakong hawak natin sa isa't isa
Mayron pa bang pag asa itong puso kong nangungulila
Sana'y manumbalik ang hiram na alaala