收聽Loonie的Tao Lang歌詞歌曲

Tao Lang

Loonie, QuESt2023年6月26日

Tao Lang 歌詞

Tao Lang - Loonie

Written by:Marlon Loonie Peroramas

Uy si loonie yun ah

Tara lapitan natin

 

Idol fliptop tayu

 

Tara isa lang kuya sige na

Parinig naman ng rap mo sample naman d'yan

Ang ganda naman ng cap mo arbor nalang yan

Ang yabang mo naman wala ka bang kanta na bago

Bakit wala kang battle takot ka bang matalo ha

Paulit ulit ang tanong ng mga tao

Wag sanang apurado anong magagawa ko

Wala akong maisip masyado pang mainit

Akala mo tuloy mukhang suplado pag tahimik

Pagod lang talaga galing gig tuguegarao

Walong oras sa van tatlong oras sa kalabaw

Tapos pag uwi ko pa para bang hindi ko malaman

Kung bakit ang buhay ko ay para bang

Naging pelikula

Laging puyat nagkalat ang papel na nilamukos

 

Andame ng kapeng ipinautos

Tinta ng aking bolpen malapit ng maubos

Isang patak na lang pero aking ibubuhos

 

Mali ba na magkamali ang 'sang tulad ko

 

Ako ay tao lang din naman na tulad mo

 

Ano ba ang dapat na gawin

Dapat bang kamuhian o dapat ba na tularan

Ang 'sang tulad ko na tao lang

Pasensya na tao lang

 

Pasensya na tao lang

 

Pasensya na tao lang

 

Pasensya na kasi

Sapul sa pagkabata sablay nung tumanda

Lumakad humakbang hanggang sa madapa

 

Wag kang mawawalan ng pagasa wag kang madadala

Kung wala ka pang mali wala ka pang nagagawa

Madadapa ka muna bago ka matutong lumakad

Ang buhay ay utang hulugan ang bayad

Kaya wag kang matakot magkamali

Pero alalay lang wag kang masyadong magmadali

 

Yan ang sabi sa akin ng aking itay

Na pinapaalala palagi sakin ni inay na

Kadalasan ay

Hindi nasusunod

Ayoko ng sumali gusto kong manuod

Minsan wala ng gana ayoko ng mag rap

Kase akala ko dati alam ko na lahat

Yun pala kulang pa ang kaalaman kong labis

Ngayon alam ko na kung ba't may pambura

Ang lapis

Mali ba na magkamali ang 'sang tulad ko

 

Ako ay tao lang din naman na tulad mo

 

Ano ba ang dapat na gawin

 

Dapat bang kamuhian o dapat ba na tularan

 

Ang 'sang tulad ko na tao lang

 

Pasensya na tao lang

Pasensya na tao lang

 

Pasensya na tao lang

 

Pasensya na

 

Pero di ba tao ka lang din hindi mo ba napansin

Kahit anong taas mo na titingala ka pa rin

Kahit planuhin mong mabuti bakit ganun pa din

Di maiwasan na magkamali kahit anong gawin

Kadalasan nangyayari ay ang kabaliktaran

Marami kang detalye na makakaligtaan

 

Mamamali ka ng daan lalo kung wala

Kang g'anong alam

Ano magagawa mo tao ka lang

Napapagod natatakot naiinip

 

Natatawa nagtataka naiinggit

Nangangawit nagagalit nabibigla

 

Nalulungkot nauutot nahihiya

Natutukso nakukonsensya nauubusan din

Ng pasensya

Nasasaktan nagmumura pero nagmamahal

Pa rin kahit natuto na

 

Mali ba na magkamali ang 'sang tulad ko

 

Mali ba na magkamali

Ako ay tao lang din naman na tulad mo

 

Ako'y katulad mo

Ano ba ang dapat na gawin

Dapat bang kamuhian o dapat ba na tularan

 

Ang 'sang tulad ko na tao lang

 

Mali ba na magkamali ang 'sang tulad ko

Mali ba na magkamali

Ako ay tao lang din naman na tulad

Mo tao lang pasensya na

Ano ba ang dapat na gawin ano ba

Dapat bang kamuhian ano ba

O dapat ba na tularan ang 'sang tulad ko

Na tao lang

 

Pasensya na tao lang

 

Pasensya na tao lang

Kagaya mo tao lang

 

Pasensya na tao yeah

Pasensya na wala tayong pagkakaiba

Pasensya na sorry naman

Kung pwede lang sanang isoli na lang

 

Pasensya na