收聽Allmo$t的Akin Ka歌詞歌曲

Akin Ka

Allmo$t2023年12月15日

Akin Ka 歌詞

Akin Ka - Allmo$t

Lyrics by:Jomuel John Casem/Angelo Luigi Timog/Clien Kennedy Alcazar/Rocel Dela Fuente

Composed by:Jomuel John Casem/Angelo Luigi Timog/Clien Kennedy Alcazar/Rocel Dela Fuente

Arranged by:ALLMO$T

Produced by:Since 1999

Madalas mo man na 'di maintindihan at palagi kong

Tinatago ang tunay na nararamdaman

'Di ka umalis at 'di ka nagsabing

Sawa ka na at ayaw mo na

 

Ang saya-saya mo kapag niyayakap kita

 

At ang pangitiin ka'y 'di mahirap sinta

'Lagi mong ipinapaalala sa akin

Madalas man akong mang-away ay mahal mo pa rin

At kahit na hindi man masabing

Kailangan nang alaga mo

Akin ka ah-ah-ah akin ka

'Di ka lumisan at 'di mo iniwan na lang

 

Sandalan mo aking balikat

'Pag nararamdaman mo na parang ang hirap

Maintindihan nitong kalagayan

Ang kasiyaha'y ikaw

 

Sa araw natin at gabi ang langit ang naging saksi

Sa oras ng mga ngiti ay 'di na maikukubli

'Di man laging mapakita

Sa 'yong kulang ako 'pag wala ka oh

At kahit na hindi man masabing

Kailangan nang alaga mo

Akin ka ah-ah-ah akin ka

'Di ka lumisan at 'di mo iniwan na lang

'Wag ka munang bibitaw dahil sinusulit ko ating sayaw

 

Sabay tayong gumagalaw at mata mo'y natatanaw

Ang puso ko'y sumisigaw dati ay palagi nang giniginaw

 

Dahil sa 'yo kaya gan'to 'yung mundo ko tanging ikaw

 

Kakayanin ko pa ba kung sakaling ako ay mag-iisa

Dahil 'di ko kakayaning mawala ang isang katulad mo aking sinta

Dahil sa pagmamahal mo 'di magbabago

Asahan mo ako kapag kailangan mo

At kahit na hindi man masabing

Kailangan nang alaga mo

Akin ka ah-ah-ah akin ka

'Di ka lumisan at 'di mo iniwan na lang

Pag-ibig mo na sa 'kin naipadamam

Naririto para bigyan ng halaga

Kahit na minsan may pagkalito maging mahirap man asahan mo

Na 'di mawawala sa 'yo 'pagkat nandiyan ako makakasama mo

Mga tampo nawawala gumagaan nadadala

Pagkasilay sa iyong ngiti na kailanma'y walang makahigit

'Di hahayaang mawala ka kasi handa pang masamahan

Hanggang sa bukas natin na sabay haharapin

At kahit na hindi man masabing

Kailangan nang alaga mo

Akin ka ah-ah-ah akin ka

 

'Di ka lumisan at 'di mo iniwan na lang