收聽Ebe Dancel的Kwarto歌詞歌曲

Kwarto

Ebe Dancel2020年3月3日

Kwarto 歌詞

Kwarto - Ebe Dancel

Lyrics by:Ebe Dancel

Composed by:Ebe Dancel

Maglilinis ako ng aking kwarto

 

Na punong puno ng galit at damit

 

Mga bagay na hindi ko na kailangan

 

Nakaraang hindi na pwede pag paliban

 

Huhh huhhhuhh

Huuh huhhuhh

 

Mga liham na nilihim kong pag ibig

 

At litrato ng kahapon maligalig

 

Dahan-dahan kong inipon ngunit ngayon

Kailangan ng itapon

Kailangan ng itapon

 

Di ko na kayang mabuhay sa kahapon

 

Kaya mula ngayon mula ngayon

Huuhhhh

 

May jaket mong nabubulok sa sulok

 

Na inaalikabok na sa lungkot

May panyong ilan ulit ng niluhaan

Isang patak sa bawat beses na tayoy nasaktan

 

Di ko na kayang mabuhay sa kahapon

 

Kaya mula ngayon

 

Mula ngayon

 

Alaala ng lumuluhang kahapon

 

Dahang-dahan ko na rin kinakahon

 

Natagpuan ko na ang tunay kong ligaya

 

Lumabas ako ng kwarto't naroon sya

 

Mag papaalam na sayo ang aking kwarto

Mag papaalam na sayo ang aking kwarto

Mag papaalam na sayo ang aking kwarto

Mag papaalam na sayo ang aking kwarto

Mag papaalam na sayo

Nag papaalam na sayo

 

Mag papaalam na

 

 

Mag papaalam na sayo ang aking kwarto