收聽Siakol的Gagawin Ko Lang Baclaran歌詞歌曲

Gagawin Ko Lang Baclaran

Siakol2000年12月6日

Gagawin Ko Lang Baclaran 歌詞

Gagawin Ko Lang Baclaran - Siakol

Written by:Manuel Palomo

Sa puso ko'y tumama ang isang munting paghanga

Na sa tuwing ika'y makikita parang baliw tuwang tuwa

At 'di ko alintana kahit pa anong pagsubok

Makamit ko lang ang tala tatawirin kahit ilang bundok

At kahit na malayo man at lubak lubak man ang daan

Palagi kitang pupuntahan gagawin ko lang baclaran

D'yan mo 'ko maasahan d'yan mo 'ko mahahangaan

D'yan mo mararanasan ang tunay na pagmamahalan

Na 'di mo malilimutan sa iyong buong buhay

At kahit pa sa kamatayan ay nakahanda 'kong tumulay

At kahit na malayo man at lubak-lubak man ang daan

Palagi kitang pupuntahan gagawin ko lang baclaran yan

Gagawin ko lang malapit 'di iisipin ang agwat

Gagawin ko ang lahat para malaman mong ako'y tapat

Pagkat wala na rin akong mahihiling sa'yo

Sa kagandahan ng anyo s'ya ring ganda ng kalooban mo