Pasilyo 歌詞
Pasilyo - Joseph Vincent
Lyrics by:Alvin Serito
Composed by:Alvin Serito
Palad ay basang-basa
Ang dagitab ay damang-dama
Sa'king kalamnang punong-puno
Ng pananabik at ng kaba
Lalim sa'king bawat paghinga
Nakatitig lamang sa iyo
Naglakad ka nang dahan-dahan
Sa pasilyo tungo
Sa altar ng simbahan
Hahagkan na't 'di ka bibitawan
Wala na 'kong mahihiling pa
Ikaw at ikaw
Ikaw at ikaw
Ikaw at ikaw
Ikaw at ikaw
'Di maikukumpara
Araw-araw kong dala-dala
Paboritong panalangin ko'y
Makasama ka sa pagtanda
Ang hiling sa Diyos na may gawa
Apelyido ko'y maging iyo
Naglakad ka nang dahan-dahan
Sa pasilyo tungo
Sa'kin at hinawakan
Mo ako't aking 'di napigilang
Maluha nang mayakap na
Ikaw at ikaw
Ikaw at ikaw
Ikaw at ikaw
Ikaw at ikaw
相關歌曲
熱門歌曲