收聽Yano的Sana歌詞歌曲

Sana

Yano, Dong Abay, Eric Gancio1996年7月31日

Sana 歌詞

Sana - Yano/Dong Abay/Eric Gancio

Written by:Dong Abay/Eric Gancio

Sana sa pagdating ng bagong umaga

Madarama ang saya at ginhawa

Me tahanan na ang walang masilungan

Me laman na ang kumakalam na tyan

Me sariling lupa ng matatamnan

Ang mga inagawan

Sana sa pagdating ng bagong umaga

Madarama ang saya at ginhawa

Makapag aral ang mga nais matuto

Magkahanap buhay ang mga walang trabaho

Mapanatag ang loob ng bawat tao

Dito sa bayan ko

Sana sa pagdating ng bagong umaga

Madarama ang saya at ginhawa

Sana sa pagdating ng bagong umaga

Madarama ang saya at ginhawa

 

Pagdating ng bagong umaga