Kulimlim 歌詞
Kulimlim - Angela Ken
Composed by:Angela Ken Rojas/Bal
Produced by:Nhiko Sabiniano
Tulalang nakangiti sa kawalan
Oras 'di hamak na 'di namalayan
Habang dama ang haplos ng hangin
Kasabay ang pagbulong ng dalangin
Manawa man ang mga talang tumingin sa 'yo
Oh mahal
Tanging ningning ng ngiti mo pa din
Hindi pipiliin
Ilang bukas man ang dumaan
Kulimlim man ay mapalitan ng ulan
Ikaw at ikaw lang
Ikaw at ikaw lang
Ikaw at ikaw lang ang uuwian
Hiwaga mo man ay mawala
Ako ay mananatili at
Ikaw at ikaw lang
Ikaw at ikaw lang
Kahit panandalian
Nakakakilig isiping
Sabik akong matunaw sa 'yong tingin
Labi mo ang salarin
Puwede ba na angkinin?
At ngayong kapiling ka
Kahit walang kasiguraduhan
Kalabanin man ang
Kamay ng orasan
Ayos lang
Basta't nandirito ka
Nandirito ka
Nandirito ka
Pero miski kamay mo'y suntok sa buwan kung mahawakan
Awiting alay sa 'yo ba ay tutuldukan?
Ilang bukas man ang dumaan
Kulimlim man ay mapalitan ng ulan
Ikaw at ikaw lang
Ikaw at ikaw lang
Ikaw at ikaw lang ang uuwian
Hiwaga mo man ay mawala
Ako ay mananatili at
Ikaw at ikaw lang
Ikaw at ikaw lang
Kahit panandalian
Ha-ha-ha-haa
Kulimlim man ay mapalitan ng ulan
Ikaw at ikaw lang
At kahit manawa man ang mga talang tumingin sa 'yo
Oh mahal
Tanging ningning ng ngiti mo pa din oh
Ang pipiliin
At ngayong kapiling ka
Kahit walang kasiguraduhan
Kalabanin man ang
Kamay ng orasan
Ayos lang basta makapiling ka
Kahit panandalian

