收聽Eraserheads的Alkohol歌詞歌曲

Alkohol

Eraserheads2006年8月16日

Alkohol 歌詞

Alkohol - Eraserheads

Written by:Raymund Marasigan

Di mapigil paggalaw nagwawala nagdadabog

Oi pare dahan-dahan lang muntik ka nang mahulog

May taong bumubulong meron ding sumisigaw

Meron ding nag-iingles na parang kanong hilaw

Bigla nalang natutulala umiiyak tumatawa

Meron ding nagnanakaw at nawawalan ng pera

 

Sumusuray pag lumalaka nadadapa nauuntog

Pag dinalaw ng antok kahit saan natutulog

May taong nagagalas na parang luko-luko

Kung saan ka man abutin CR mo ang buong mundo

Alkohol alkohol utak mo'y buhol-buhol

Alkohol alkohol utak mo'y buhol-buhol

Alkohol alkohol alkohol

 

Di mapigil ang bibig pati sikreto nasasabi

Nasusuka kumakanta napa-praning sa isang tabi

Kaya ko pa yan ang laging sagot niya

Nananaginip ng gising pumupungay ang mata

Konting alak nalulunod lumalakas ang loob

Umeekis gumagapang natitisod sumusubsob

Labo-labo sari-sari may naghahanap ng away

Binabangungot ng gising meron ding namamatay

Lumiliwanag dumidilim bumabait tumatapang

Umiikot ang tingin utak mo'y kinakalawang

Alkohol alkohol utak mo'y buhol-buhol

Alkohol alkohol utak mo'y buhol-buhol

Alkohol alkohol alkohol

 

Sumusuray pag lumakad nadadapa nauuntog

Pag dinalaw ng antok kahit saan natutulog

Bukas may hangover ka pagising masakit ang ulo

Paano ba ako nakauwi Shet kailangan ko ng yelo

Alkohol alkohol utak mo'y buhol-buhol

Alkohol alkohol utak mo'y buhol-buhol

Alkohol alkohol utak mo'y buhol-buhol

Alkohol alkohol utak mo'y buhol-buhol

Alkohol alkohol alkohol

Alkohol alkohol alkohol

 

Alkohol alkohol alkohol