收聽APO Hiking Society的Nakapagtataka歌詞歌曲

Nakapagtataka

APO Hiking Society1991年1月1日

Nakapagtataka 歌詞

 

Nakapagtataka (精彩) - APO Hiking Society

Walang tigil ang gulo

 

Sa aking pag-iisip

 

Mula nang tayo'y

Nagpas'yang maghiwalay

 

Nagpaalam pagka't

Hindi tayo bagay

 

Nakapagtataka hoh hoh

 

Kung bakit ganito

Ang aking kapalaran

Di ba't ilang ulit ka nang nagpaalam

 

At bawat paalam ay puno nang iyakan

 

Nakapagtataka nakapagtataka

 

Hindi ka ba napapagod

O di kaya nagsasawa

Sa ating mga tampuhang

Walang hanggang katapusan

 

Napahid na'ng mga luha

Damdamin at puso'y tigang

Wala nang maibubuga

Wala na 'kong maramdaman

 

Kung tunay tayong nagmamahalan

 

Ba't di tayo magkasunduan

Oh hoh hoh

 

Walang tigil ang ulan

 

At nasaan ka araw

 

Napano na'ng pag-ibig sa isa't isa

 

Wala na bang nananatiling pag-asa

 

Nakapagtataka saan na napunta

 

Hindi ka ba napapagod

O di kaya nagsasawa

Sa ating mga tampuhang

Walang hanggang katapusan

 

Napahid na'ng mga luha

Damdamin at puso'y tigang

Wala nang maibubuga

Wala na 'kong maramdaman hoh

 

Oh

Napahid na'ng mga luha

Damdamin at puso'y tigang

Wala nang maibubuga

Wala na 'kong maramdaman

 

Kung tunay tayong nagmamahalan

 

Ba't di tayo magkasunduan

Oh hoh ho hoo

 

 

Hmmm