收聽Ron Henley的Hagdan歌詞歌曲

Hagdan

Ron Henley, Kat Agarrado2013年4月8日

Hagdan 歌詞

Hagdan - Ron Henley/Kat Agarrado

Written by:Ron Henley

Araw araw ay kabaliktaran ang swerte

 

Mukha lang inosente pero pwede mag rebelde

 

Ginagawa kong kapre ang bawat mga dwende

Kung minsan ang kulay pulay ginagawa kong berde

 

Nakasagutan ko si nanay

Si utol nakaaway

Hindi na ko umuuwi ng bahay

Nagpunta sa kapitbahay

Nakitulog nakitambay

 

Naki uso nakibagay

Naki usok nakitagay

 

Pinakain ko ng damo ang pulang kabayo

 

Paulit ulit lang umaasang may magbabago

Binusog ko lang lalo ang ari kong pagkatao

Pagnagtalo yung dalawang aso yung mabuti yung talo

 

Napalayo sa riyalidad

 

Naglalakad ako ngunit akala ko ako y lumilipad

 

Naging tamang hinala

Panay maling akala

Hinahabol ko ang tama

At mukhang mali na ata

Gusto kong maglayag

 

Gusto kong mga pangarap ko mangyari agad

Gusto kong lumangoy

Gusto kong lumipad

Pakiramdam ko kaya kong gawin ang lahat

Teka wag kang magmadali

 

Dahan dahan lang dahan dahan lang

Tayo ay para lang humahakbang paakyat ng hagdan

 

Ang kalaban ko ay nasa likod nakangiti

 

May inaalok siya sakin di ako makahindi

Di sila nakaitim bagkos nakaputi

 

Nung ako y nakatikim hindi na ko umuwi

 

Sa aking tunay na buhay

Humaba lang ang sungay

Ang patunay tunay ang lakad ko ay pasuray suray

Ako ay uminom ng lason kahapon

Umaasang yung taong yon ang nasa kabaong

At ako y ay nilamon ng buhawi

Inanod ng ugali kong sing baho ng pusali

Sa sobrang bangis nagawa nila akong itali

Ang buhay ay tungkol sa kung papano ka bumangon at bumawe

Sa aking pagbalik sa liwanag ay nasilaw

Nasanay sa silid na laging patay ang ilaw

At kahit na nasasabon wag na wag kang tatalon

Sa bawat bagyo tandaan laging may pag asa ron

Gusto kong maglayag

 

Gusto kong mga pangarap ko mangyari agad

Gusto kong lumangoy

Gusto kong lumipad

Pakiramdam ko kaya kong gawin ang lahat

Teka wag kang magmadali

Dahan dahan lang dahan dahan lang

Tayo ay para lang humahakbang paakyat ng hagdan

 

May araw na malas may araw ring swerte

Tanggap ko nang pula y hindi pwede maging berde

Hindi madali pero posible

Kung ang lahat ng bagay ay gagawin kong simple

 

May mga taong inilagay para ako y itumba

 

Isang kalabit nalang at ako y puputok na

Ganto ata talaga kapag ang puno ay mabunga

 

Binabato bato ng may mahulog at makuha

 

Sa aking kahinaan ay naging malakas

Lalo akong tumingin paloob imbis palabas

Isinapuso ko di ako masyadong nag isip

Ng kung ano ano lalo ko lang niyakap ang inip

At ako ay nagpasakop sa programa

Sa tulong ng aking mga bagong kasama

Ako ay nakabangon sa kama

Muli kong nasilayan ang isang bagong umaga

 

Gusto kong maglayag

 

Gusto kong mga pangarap ko mangyari agad

Gusto kong lumangoy

Gusto kong lumipad

Pakiramdam ko kaya kong gawin ang lahat

Teka wag kang magmadali

Dahan dahan lang dahan dahan lang

 

Tayo ay para lang humahakbang paakyat ng hagdan

 

Gusto kong maglayag

 

Gusto kong mga pangarap ko mangyari agad

Gusto kong lumangoy

Gusto kong lumipad

 

Pakiramdam ko kaya kong gawin ang lahat

Teka wag kang magmadali

Dahan dahan lang dahan dahan lang

 

Tayo ay para lang humahakbang paakyat ng hagdan