Kapag Puso'y Sinugatan 歌詞
Kapag Puso'y Sinugatan - Zsa Zsa Padilla
Kapag puso'y sinugatan
Kapag puso'y nasaktan
Wala kayang ibang hahantungan
Kundi luha't padaramdam
Ang tunay na nagmamahal
Kapag puso'y sinugatan
Kapag tamis ay pumait
Paano ba
Kayang mapapawi hapdi ng dusa't hinagpis
Sakit ng isang puso'y ngayo'y sawi matitiis mo ba sa
Bawat sandali may kaluluwang sayo'y mayroong hinanakit
Tanong niya'y bakit lumigaya ka ng labis
May kapalit na dalamhati
Ang natikmang pagibig sayo matitiis mo ba sa bawat sandali
May kaluluwang sayo'y mayroong hinanakit
Paano kung ikaw ang masaktan at puso'y magdamdam
Kapag ang puso'y sinugatan may langit pa kayang maghihintay
Kapag puso'y sinugatan
Kapag tamis ay pumait
Paano ba kayang mapapawi
Hapdi ng dusa't hinagpis
Matitiis mo ba sa bawat sandali
May kaluluwang sayo'y mayroong hinanakit
Tanong niya'y bakit lumigaya ka ng labis
May kapalit na dalamhati
Ang natikmang pagibig sayo
Matitiis mo ba sa bawat sandali
May kaluluwang sayoy mayroong hinanakit
Paano kung ikaw ang masaktan at puso'y magdamdam
Kapag ang puso'y sinugatan
May langit pa kayang maghihintay