收聽ASIN的Tuldok歌詞歌曲

Tuldok

ASIN2005年10月15日

Tuldok 歌詞

Tuldok - ASIN

Ang tuldok ay may salaysay

 

At may kahulugan

 

Na dapat mapansin

 

At maintindihan

 

Kahit sino ka man

 

Ay dapat malaman

 

Na dito sa mundo

 

Ikaw ay tuldok lang

 

Kahit na ang araw

 

Sa kalangitan

 

Siya ay tuldok lamang

 

Sa kalawakan

 

Lahat ng bagay ay

Tuldok ang pinanggalingan

 

At kung masdang mabuti tuldok ang uuwian

 

Tingnan mong mabuti

 

Ang 'sang katauhan

 

Maraming nag aaway tuldok lang ang dahilan

 

Sa aking nakita

 

Ako'y natawa lang

 

'Pagkat ang nangyayari'y

Malaking kahibangan

 

Kaya wala kang dapat

Na ipagmayabang

 

Na ikaw ay mautak

At maraming alam

 

Dahil kung susuriin

At ating iisipin

 

Katulad ng lahat

 

 

Ikaw ay tuldok rin