Dios Ay Naroon 歌詞
Dios Ay Naroon - Ricky Sanchez
Lyrics by:Michael Mariano
Composed by:Michael Mariano
Tunay ngang mahirap ang mabuhay sa mundo
Maraming pagsubok sa buhay mo
Sa bawat araw ay dumarating
Ang iyong mga suliranin
Nasasabi mo tuloy na tama na
Pagka't sulirani'y di mo na kaya
Sumisigaw ang damdamin mo at isipan
Tunay ngang ika'y nahihirapan
Kung bigo ka man ngayon o kaibigan
Ituring mong ito'y pagsubok lang
Kahit puso'y nasugatan at
Ngayo'y nagdaramdam
Diyos ay naroon
Dapat mong malaman
Sa kanya mo lang ilagak ang lahat
Pangako nya s'ya ay laging tapat
Papawiin nya ang iyong lungkot
Kung ika'y sa kanya ay dudulog
Kung bigo ka man ngayon o kaibigan
Ituring mong ito'y pagsubok lang
Kahit puso'y nasugatan at
Ngayo'y nagdaramdam
Diyos ay naroon
Dapat mong malaman
Kaya't tumawag ka't humingi
At ikaw ay bibigyan
Hanapin s'ya at masusumpungan
Kumatok ka sa pinto
At ika'y pagbubuksan
Pagpapala ng diyos
Ay iyong makakamtan
Kung bigo ka man ngayon o kaibigan
Ituring mong ito'y pagsubok lang
Kahit puso'y nasugatan at
Ngayo'y nagdaramdam
Diyos ay naroon
Diyos ay naroon
Diyos ay naroon
Dapat mong malaman