Hesus, Aking Kaibigan 歌詞
Hesus, Aking Kaibigan - Lui Morano/Ayee Venida/Erwin Arandia
Written by:Noel Sanchez/Roy Tolentino
Mula nang pagtawag mo'y marinig
Ang puso'y nabuhay sa bagong pintig
Turuan ng tapang ang aking tinig
Nang maibunyag ko ang 'yong pagibig
Mula nang pagibig mo'y nadama
Kailanman di na ako nagisa
Anumang suliranin o problema
Lahat kakayahin 'pagkat nariyan ka
O hesus aking kaibigan
Tanging sandigan
Manatili sa 'king puso
O hesus aking ligaya
Tanging pag asa
Minahal mo ko
Kahit di nararapat sa 'yo
Takasan ko man ang 'yong paglingap
Hindi ka titigil sa paghahanap
Saang sulok man ang aking marating
Kasama kita at laging kapiling
Hanggang sa huli kong paghinga
Pupurihi't pasasalamatan kita
Ikaw ang katuwiran ikaw ang saysay
Ikaw ang hantungan ng aking buhay
O hesus aking kaibigan
Aking tanggulan
Kupkupin ang aking puso
O hesus aking huwaran
Dapat tularan
Gabayan mo ako
Nang ako'y mapalapit sa 'yo
O hesus aking kaibigan
Tanging sandigan
Manatili sa 'king puso
O hesus aking ligaya
Tanging pag asa
Minahal mo ko
Kahit di nararapat sa 'yo
O hesus aking kaibigan
Tanging sandigan
Manatili sa 'king puso
O hesus aking ligaya
Tanging pag asa
Minahal mo ko
Kahit di nararapat sa 'yo
Oh hesus aking kaibigan
Aking sandigan
Pumuti ng aking puso
O hesus aking huwaran
Dapat tularan
Gabayan mo ako
Sa aking pag ka lito
Tanglawan mo ako
Saan man landas ko
Minahal mo ako
Nang ako'y nagmahal tulad mo