Tilaluha 歌詞
Tilaluha - SB19
Lyrics by:John Paul Nase
Composed by:Kim Kyeong Su/Geong Seong Han (Executive Producer)/PABLO
Arranged by:Han Tae Soo/Lee Woong
Produced by:Geong Seong Han (Executive Producer)/Han Tae Soo
Sa tuwing ika'y nakikita
'Di mapigil ang luha sa aking mata
Paano nga ba paano nga ba
Paano nga ba'ng limutin ka
Kung sa puso ko ika'y nag-iisa
Mali ba na ako'y umaasa
Tama ba'ng nadarama para sa'yo sinta
Bakit nga ba bakit nga ba
Bakit nga ba mahal kita
Kung sa puso mo ay mayroon nang iba
Unti-unting lunurin ang aking nadarama
O buhos ng ulan 'wag nang tumila pa
Paano nga ba mapapawi labis na pagdurusa
Kung wala nang pag-asa turuan mo naman akong limutin ka
Kahit na ula'y tumila na aah
Luha sa aking mata'y patuloy pa
Ano nga ba ano nga ba
Ano nga ba'ng magagawa
Kung hanggang ngayon ay mahal pa rin kita
Unti-unting lunurin ang aking nadarama
O buhos ng ulan 'wag nang tumila pa
Paano nga ba mapapawi labis na pagdurusa
Kung wala nang pag-asa turuan mo naman akong limutin ka
Lahat din ay mawawala
Kasabay ng pagtila ng nadarama
Unti-unting lunurin ang aking nadarama
Hooo
Unti-unting lunurin ang aking nadarama
O buhos ng ulan 'wag nang tumila pa
Paano nga ba mapapawi labis na pagdurusa
Kung wala nang pag-asa turuan mo naman akong limutin ka haaa
相關歌曲
Tilaluha 的評論 (5)
Pano nga ba….
Josh's eyes are really expressive.
Hk A'TIN SB19 ❤️❤️
HK A'TIN where you at 💙💙💙
💜💜💜