Dengarkan lagu Inday nyanyian Gloc-9 dengan lirik

Inday

Gloc-9, Cathy Go1 Jan 2012

Lirik Inday

Inday - Gloc-9/Cathy Go

Written by:Aristotle C. Pollisco

 

O Inday o Inday o Inday

Inday ng buhay ko

O Inday o Inday

Inday ng buhay ko

 

Katatapos ko lang ng highschool sa probinsya

Kapos lang sa kaunlaran kaya't walang makita't

Makuhang trabaho sa aming lugar

Ano ba ang gagawin ko

Bumiyahe na lang sa malayong lugar

Lahat ay titiisin ko

Katatapos ko lang ng highschool sa probinsya

Gusto ko sanang maging doktor ng medisina

Ngunit si Itay ay magsasaka nang

Ang kapatid ko ay pito

Mahainan lang ang hapagkainan

Ang trabaho ko ay ito

Pantalon na maong labhan mo ng pakamay

 

Ang aking tira-tira'y takpan mo

Pagtapos ka nang kumain ang sahig punasan mo

Mula baba hanggang taas lampasuhin ang kanan ko

Dapat walang alikabok ni katiting sa mga muebles

Ayokong inuulit ng higit sa isang beses

Ang lahat ng utos ko walang tanong kang susunod

Pagkausap mo ako kulang na lang ay lumuhod

Bilisan mong maglakad sige buhatin mo lahat

Wala akong pakialam kahit na ubod ng bigat

Kapag tinawag sa gabi dapat tulog ka ng dilat

At handa kang maglinis kapag ako ang nagkalat

Kahit gaano kadumi ang mabaho'y amuyin

Sa tuwing ako'y malalasing lahat ng gusto ko'y sundin

Kung ayaw mong sayo ay mayroong mangyaring masama

Oo ang isasagot sa gusto kong ipagawa

O sa gusto kong gawin at sa gusto kong makita

Paulit-ulit hanggang sa hindi ka nagkabisita

Makaka-alis ka na di na kita kailangan

Bago tumawag ng pulis dahil ako'y yong nikawan

 

Katatapos ko lang ng highschool sa probinsya

Kapos lang sa kaunlaran kaya't walang makita't

Makuhang trabaho sa aming lugar

Ano ba ang gagawin ko

Bumiyahe na lang sa malayong lugar

Lahat ay titiisin ko

 

Katatapos ko lang ng highschool sa probinsya

Gusto ko sanang maging doktor ng medisina

Ngunit si Itay ay magsasaka nang

Ang kapatid ko ay pito

Mahainan lang ang hapagkainan

Ang trabaho ko

O Inday o Inday o Inday

Inday ng buhay ko

O Inday o Inday

 

O Inday ng buhay ko