Lirik Alimuom
VERSE 1:
Tandang-tanda ko pa
Unang beses na nagkita
Suot mo ay pula
Sintingkad ng kasuotan
Ang sigla ng kalooban
Di inaasahan na
Ganun ka rin pala
PRE-CHORUS
Dahan-dahang pumatak
Na parang binalak
Sa pagbuhos ng ulan
Mga puso’y nahatak
Ni tadhanang maging isa
VERSE 2:
Mundo ay nag-iba
Ang gabi’y tila umaga
Sa tuwing kasama ka
At kay raming natutunan
Dati’y di sunud-sunuran
Ngunit dahil may pag-ibig ay
Pinagbigyan
PRE-CHORUS
Naroon kahit saan
Ngunit ‘di makita
Bumagyo ng biglaan
Inipong pagdududa
Lampas-tao ang baha
Ng mga pinag-awayan
Hanggang tayo’y
Nalunod na
CHORUS:
Bukas sa paggising ko’y
Walang “tayo”
Kahit nandito ka pa
Sa puso ko
Pagyapos nitong sakit ay hihilom
Hihilom...
Pagkatapos ng ulan
May alimuom
VERSE 3:
Hindi makahinga
Sa biglang dalaw ng kahapon
Sa aking gunita
Pero di rin naman nais
Na muling mapasa-akin
Nakalipas na pinili kong lisan
PRE-CHORUS:
Parang mayro’ng nabungkal
Sa butas kong puso
Tadtad sa sugat ng mga
Pangako mong napako
Kung mayro’n mang natitirang
Damdamin ko sa yo
Hamog na lamang ng pagsinta
(repeat CHORUS)