Lirik Bulan
Sinliwanag ng umaga
Nang huli kitang Makita
Tayo ba ay nagkasalisi
O ikaw ba ay nagkukubli
O, Bulan
Matagal-tagal ka nang hindi nasisilayan
Ikaw ba ay nagtatampo
Tuwing panganod ay nagtatagpo
Bukas ng gabi, lalabas muli
Baka sakaling tanglaw mo’y dadampi
O, Bulan
Ika’y inaawitan
Nagtatapang-tapangan dahil ika’y wala
Mayroon bang patutunguhan ang pagtingala
O, Bulan
Matagal-tagal ka nang hindi nasisilayan
Nagtatapang-tapangan sa kabila ng pangamba
Mayroon bang hantungan ang pag-iisa
O, Bulan
Ako ba’y iyong iniwan?
Gabi-gabing sa langit ay nakatingala
Nag-aabang ang awit didinig ay wala
Dilim ay tumatangis
Dinaramdam ay labis
Antok nilalabanan
Hinihintay ay nasa’n?
Bulan
Ngayong andiyan ka na
Huwag nang lumisan pa