Listen to Labis Din Kaya? song with lyrics from Charles Muñoz

Labis Din Kaya?

Charles Muñoz28 Nov 1992

Labis Din Kaya? Lyrics

 

Labis Din Kaya? - Charles Muñoz

 

Written by:Vehnee Saturno

 

Labis kaya ang pag ibig na nadarama

 

Ng tulad kong sayo'y higit ang pagsamba

 

Bakit ganun kung wala ka ma'y naroon ka pa

Alaala ang kasama

 

Labis kaya ang pagmamahal ng tulad ko

 

Kung ang lahat ng naisin mo'y iyong iyo

 

Kahit ano ay iaalay sa tulad mo

Pagkat labis ang pag ibig ko

Labis din kaya

Labis din kayang dalamhati ang darating

Kung mangyari na iiwanan mo't

Di mo na papansinin

Ang pagdaramdam kaya'y magiging labis din

 

Labis kaya ang kalungkutang mananaig

 

Kung ang tugon ay wala na sa aking paghibik

 

Tunay kayang pag wala ka na'y anong lamig

At ang puso'y di rin pipintig

Labis din kaya

Labis din kayang api ang siyang magaganap

Kung paggising ko ay magwawakas

Sa atin ang lahat lahat

May muli pa ba na magbabalik

O wala na ngang ganap

Pag nagkaganoon

Sa katulad mo'y

Labis din kaya oooh

Labis din kaya

Labis din kayang hapdi ang siyang magaganap

Kung paggising ko ay magwawakas

Sa atin ang lahat lahat

May muli pa ba na magbabalik

O wala na ngang ganap

Pag nagkaganoon

Sa katulad mo'y

Labis din kaya

Labis din kaya

 

Labis din kaya

Popular Songs