Ikaw Na Lang Ang Kulang Lyrics
Ikaw Na Lang Ang Kulang - Jed Madela
Written by:Christian Martinez
Di naman ako naghahanap ng tulad mo
Na dumating sa buhay ko at guluhin ang isip ko
Pero parang may himig na naririnig mula sa aking puso
At sa isang saglit ako'y napapikit
At parang nabuo sa isang iglap ang buhay ko
Ikaw na lang pala ang kulang sa buhay ko
Pag ibig nga ba ang nadarama
Dahil hindi makatulog 'pag ikaw ang naaalala
Laging natatanga t'wing makikita ka
At parang ang lahat ng bagay ay gumaganda
Kapag kasama ka nabubuo ang buhay ko'
Di lang ba ako
Sanay o sadya bang walang malay
Kung sa 'yo'y nahuhulog o 'di kaya'y nauusog
Dahil sa tuwing pumipikit ikaw pa rin ang nakikita ko
At sa isang saglit ako'y napapikit
At parang nabuo sa isang iglap ang buhay ko
Ikaw na lang pala ang kulang sa buhay ko
Pag ibig nga ba ang nadarama
Dahil hindi makatulog 'pag ikaw ang naaalala
Laging natatanga t'wing makikita ka
At parang ang lahat ng bagay ay gumaganda
Kapag kasama ka nabubuo ang buhay ko
Pag ibig nga ba ang nadarama
Dahil hindi makatulog 'pag ikaw ang naaalala
Laging natatanga t'wing makikita ka
At parang ang lahat ng bagay ay gumaganda
Kapag kasama ka nabubuo ang buhay ko