May Laya (Theme from "Indio") Lyrics
May Laya - Mark Bautista
Written by:Von Rodsin De Guzman
Hangin halina upang tumawid
Ako't irog ko sa himpapawid
Sa himpapawid
Sa himpapawid
Ibig ko munang iwanan ang putik
Upang sumakay saglit sa langit
Ooooohh
Magsusumbong din kami sa laot
Tungkol sa dayong biglang nanakop
Baka sa sulok ng mga sulok
Matagpuan ko ang aming diyos
Mahal alaga
Mahalagang
Maging may laya
Maging diwata
Mahal alaga mahal ka
Maging may laya
Maging diwata
Bakit ang lupa ay dapat kunin
Mula sa amin ng kanluranin
Ng kanluranin
Ng kanluranin
'Di pa ba sapat ang pakainin
At painumin ng dugo namin
Ohh
Kailangan bang ibuwis ang buhay
Akala ko ba wagas ang pakay
Ano at tangay ang kayamanang
Likas at likha ng kapwa mortal
Mahal alaga
Mahalagang
Maging may laya
Maging timawa
Mahal alaga
Mahalagang
Maging may laya
Maging timawa
Kalayaan kalayaan
Kalayaan kalayaan
Kalayaan kalayaan
Kalayaan kalayaan
Oohh ooohh
O kalayaan na pag aari
Di kami payag mawala muli
O kalayaan
O kalayaan
Mula sa hari't reyna kunwari
Pipilitin kong ika'y mabawi
Oohh
Bunso't panganay samahan ako
Iyong saksihan ang pagbabago
Handong naming ito ng inay mo
Para sa iyo para sa inyo
Mahal alaga
Mahalagang
Maging may laya maging malaya
Mahal alaga
Mahalagang
Maging may laya maging malaya
Malaya