Listen to Pusong Sinungaling song with lyrics from Nonoy Peña

Pusong Sinungaling

Nonoy Peña30 Sep 2022

Pusong Sinungaling Lyrics

Pusong Sinungaling - Nonoy Peña

Lyrics by:Dexter Vega Baterna

Composed by:Dexter Vega Baterna

Arranged by:Paulo Zarate

Produced by:Paulo Zarate

Sa aking pag-iisa

Laging alaala

Ang mga nakaraan

Nating dal'wa

 

Tayo'y may sumpaan

Habang buhay magsasama

Bakit ika'y umibig sa iba

 

Ano ang nagawang kasalanan

Sa iyo

Bakit sa'kin ikaw ay lumayo

 

At ang akala ko na

Ako rin ay mahal mo

Ngunit sinaktan mo

Lang ang damdamin ko

 

'Di ba't sabi mo'y

Ako lang ang mamahalin

Magpahanggang wakas

Mo akong iibigin

Ngunit bakit ngayo'y iba

Na ang umaangkin

Sa puso mong sinungaling

 

Limutin man kita

Ay 'di ko magagawa

Sapagkat mahal na

Mahal pa rin kita

 

Ngunit kung ito'y

Sadyang kaloob ng tadhana

Matututunan ko rin

Na limutin ka

 

'Di ba't sabi mo'y

Ako lang ang mamahalin

Magpahanggang wakas

Mo akong iibigin

Ngunit bakit ngayo'y iba

Na ang umaangkin

Sa puso mong sinungaling

 

Inaasam pa rin ang

Iyong paglalambing

Kahit may iba kang kapiling

 

Dalangin ko pa rin

Na ikaw ay magbalik sa'kin

Kahit ang puso mo'y sinungaling

 

'Di ba't sabi mo'y

Ako lang ang mamahalin

Magpahanggang wakas

Mo akong iibigin

Ngunit bakit ngayo'y iba

Na ang umaangkin

Sa puso mo

'Di ba't sabi mo'y

Ako lang ang mamahalin

Magpahanggang wakas

Mo akong iibigin

Ngunit bakit ngayo'y iba

Na ang umaangkin

 

Sa puso mong singungaling

Popular Songs