O Pag-Ibig Lyrics
Pag-ibig na aking naranasan
Sa buhay 'di na malilimutan
Pag-ibig na tanging kayamanan
Aking pag-iingatan nang
Higit sa aking buhay
Ligaya ang dulot
Ng pag-ibig
Kung minsan
Ang dulot ay pasakit
Subalit magdusa
Man ay langit
Hiwaga ng pag-ibig
'Di malaman 'di maisip
Ang pag-ibig ko
Sa 'yo'y tanging yaman
At higit pa sa ginto
Aking pag-iingatan
Kahit na lumimot ka man
Aking mahal
Limutin ka'y 'di magawa
Ako ang nasasaktan
Ang init at
Tamis ng 'yong labi
Sa isip kailan
Ma'y hindi mapawi
Sumpa mo
Kapag iyong binawi
Tuluyang maglalaho
Ang buhay ko sa pagsuyo
Ang pag-ibig ko
Sa 'yo'y tanging yaman
At higit pa sa ginto
Aking pag-iingatan
Kahit na lumimot ka man
Aking mahal
Limutin ka'y 'di magawa
Ako ang nasasaktan
Ang init at tamis
Ng 'yong labi
Sa isip kailan
Ma'y hindi mapawi
Sumpa mo
Kapag iyong binawi
Tuluyang maglalaho
Ang buhay ko sa pagsuyo
O pag-ibig sa aking buhay
O pag-ibig