Listen to Dagundong song with lyrics from Alamat

Dagundong

Alamat22 Dec 2023

Dagundong Lyrics

Dagundong - Alamat

Lyrics by:Thyro Alfaro

Composed by:Thyro Alfaro

Arranged by:Michael "Cursebox" Negapatan

Produced by:Thyro Alfaro/Michael \"Cursebox\" Negapatan

Isapuso isapuso ang pagka-mandirigma

 

Isapuso isapuso

Alamat handa 'rap

 

Ilabas ang mga kalasag ha

'Wag kakarag-karag humandang pumalag bakit

'Di mo ba nakikita yung mga nasa laot

Mga balangay na dala-dala'y mga salot pero teka

Mga katawa'y nakatapal ng bakal oh

Wala tayong laban kung kawal sa kawal

Pero 'pag sama-sama nating palibutan

Ewan ko na lang kung hindi sila kilabutan

Patalasin mga pana't balaraw

Sumigaw hanggang lupa ay gumalaw aah

'Tong mga mapupusyaw mag-iinaso

Kapag kanilang baluti'y balutin ng palaso

Pulutong humanay

Pasulong 'kad

 

Maghintay ka lang ang mga gimbal ay

Dadagun-dadagun-dadagundong ooh

 

Papau-papau-papaugong ooh

Nagsusumigaw kahit na pabulong

Dahil pusong mandirigma

'Di papakutya 'di papapugong

Pusong mandirigma

'Di papadikta at

Dadagun-dadagun-dadagundong

Sila yung napugutan

Sila yung naghalo ang balat sa tinalupan

Kami yung panalo pero bakit parang kulang

Para bang sila yung naghintay at namuhunan

Teka sandali

Mga gawi ko yung nabura

Ako nang magpapalakad

Ako yung nakatira

Buenom esto es para ti tambien po

Paga tus aportes al ayuntamiento

Teka nga sino kang nagpapa-papel

Mga pangalan namin tinala sa papel

Ayaw kong makibahagi 'wag ka nang pumapel

Punitin ang sedulang gawa sa papel

Pulutong humanay

Pasulong 'kad

 

Maghintay ka lang ang mga gimbal ay

Dadagun-dadagun-dadagundong ooh

 

Papau-papau-papaugong ooh

Nagsusumigaw kahit na pabulong

Dahil pusong mandirigma

'Di papakutya 'di papapugong

Pusong mandirigma

'Di papadikta at

Dadagun-dadagun-dadagundong

Daming nasawi

Daming mga buhay nawala sa paggapi

Mga bayaning 'di mailibing mga labi

Pero may dalawang nobelang nakapukaw ng mithi

Pagdating ng bukang liwayway sa wakas ay

Naiwawagayway na rin natin ang

Tatlong bituin at isang araw

Sa wakas at tayo ri'y nagkaisa nga raw

Pero 'di natin namamalayan

Meron na palang ugnayang

Magpalit kamay ang mananakop

Ngayon 'di mo ba nakikita yung mga nasa laot

Bagong bapor dala-dala'y mga salot

Pulutong humanay

Pasulong 'kad

 

Maghintay ka lang ang mga gimbal ay

Dadagun-dadagun-dadagundong ooh

 

Papau-papau-papaugong

Nagsusumigaw kahit na pabulong

Dahil pusong mandirigma

'Di papakutya 'di papapugong

Pusong mandirigma

'Di papadikta at

 

Dadagun-dadagun-dadagundong

Popular Songs