Sabihin Mo Naman Lyrics
Sabihin Mo Naman - Eurika
Written by:Robster Evangelista
Ilang ulit pa ba akong dadaan
Kunyari laging may nakakalimutan
Para matanaw ka lang
Kapag nakasalubong mo naman
Sa gilid ng mata ika'y tinitingnan
Ikaw ba'y lilingon man lang
Parang kulang ang araw ko 'pag di ka nakita
Puso ay parang sasabog 'pag nand'yan ka
Sabihin mo naman kung ano ang dapat kong gawin
Para lang mapansin mo ang aking damdamin
Sabihin mo naman hanggang kailan ko ba hihintayin
Malaman kung ikaw din ba ay mayro'ng pagtingin
Kung hindi man ngayon sana'y malapit na
Sabihin mo naman kung hiling ng puso ko'y may pag asa
Pilit mang ibaling sa iba
Lagi nang sa isip ko ay naroon ka naroon ka
At nagbibigay saya
Makita lang kitang nakangiti
Ang lungkot na nadarama'y napapawi
Ganyan ka lang sana lagi
Parang kulang ang araw ko 'pag di ka nakita
Puso ay parang sasabog 'pag nand'yan ka
Sabihin mo naman kung ano ang dapat kong gawin
Para lang mapansin mo ang aking damdamin
Sabihin mo naman hanggang kailan ko ba hihintayin
Malaman kung ikaw din ba ay mayro'ng pagtingin
Kung hindi man ngayon sana'y malapit na
Sabihin mo naman kung hiling ng puso ko'y may pag asa
Sana man lang iyong malaman
Ang lihim kong nararamdaman
Sabihin mo naman kung ano ang dapat kong gawin
Para lang mapansin mo ang aking damdamin
Sabihin mo naman hanggang kailan ko ba hihintayin
Malaman kung ikaw din ba ay mayro'ng pagtingin
Kung hindi man ngayon sana'y malapit na
Sabihin mo naman kung hiling ng puso ko'y may pag asa
Sabihin mo naman
Kung hiling ng puso ko'y may pag asa
Hmmmmm