Miss Masungit Lyrics
Miss Masungit - ARIES SALES
Written by:Aries Sales
Arranger:Jonathan Arnold Ong
Araw araw ako ay nag aabang
Sa tambayan na upod nang upuan
Hinihintay na ikaw ay dumaan
Ilang kwek kwek na at isaw ang aking
Nalantakan
Sa tuwina'y inaasam
Ang mapansin mo lang
Ngunit 'pag ika'y nandyan
Puro irap ang nakakamtan
Miss 'wag kang masungit
Nais ko lang ay makilala ka
Miss 'wag kang masungit
Kung ngumiti ka lalo kang gaganda
Miss 'wag kang masungit
Nais ko lang ay makasama ka
Miss 'wag kang masungit
Isang sulyap mo lang ako'y okay na
Pormang bulsang mayrong suklay
Suot ang tsalekong galing ukay ukay
Bawat kulig lig ako'y nakabantay
Nagbabakasakaling ikaw ang sakay
Sa tuwina'y inaasam
Ang mapansin mo lang
Ngunit 'pag ika'y nandyan
Puro irap ang nakakamtan
Miss 'wag kang masungit
Nais ko lang ay makilala ka
Miss 'wag kang masungit
Kung ngumiti ka lalo kang gaganda
Miss 'wag kang masungit
Nais ko lang ay makasama ka
Miss 'wag kang masungit
Isang sulyap mo lang ako'y okay na
Ano kaya ang dapat kong gawin
Upang kahit saglit ako'y iyong mapansin
Ilang bote na ng pabango at wax ang naubos ko
Ilang bakal na ang nabuhat ko
Upang maging macho sa paningin mo
Miss 'wag kang masungit
Nais ko lang ay makilala ka
Miss 'wag kang masungit
Kung ngumiti ka lalo kang gaganda
Miss 'wag kang masungit
Nais ko lang ay makasama ka
Miss 'wag kang masungit
Isang sulyap mo lang ako'y okay na
Isang sulyap mo lang ako'y okay na
Isang sulyap mo lang ako'y okay na
Isang sulyap mo lang ako'y okay na