Listen to Akin Na 'To song with lyrics from Denise Barbacena

Akin Na 'To

Denise Barbacena4 Oct 2022

Akin Na 'To Lyrics

Sa dami ng napagdaanan

Nahanap ko

Mga sagot sa 'king

Tadhanang mapaglaro

'Di man lahat ay naniwala

Pilit kong sinubok

Ang pangarap ko

 

Balakid ay 'di iniwasan

Tinahak ko daang inukit

Para sa mga katulad ko

'Di pipiglas haharapin

Ang anumang pagsubok

Nang taas-noo

 

Natatanaw ko na'ng

Bukas na maliwanag

 

Bakit pa bibitaw kung

Kakayanin na

Tuloy-tuloy hindi titigil

Kaya pa huwag magpapigil

Sige lang hahakbangin

Ko ang daan

Patungo sa paikot-ikot

Kong landasin

Para sa buhay na aking

Nais maabot

Hindi na hihinto

 

Lakas na pinanghahawakan

Ay narito

Haharapin anumang laban

Ng puso ko

Bawat daan na lalakaran

Ay simbolo ng pagsisikap ko

Natatanaw ko na'ng bukas

Na maliwanag

 

Bakit pa bibitaw kung

Kakayanin na

Tuloy-tuloy hindi titigil

Kaya pa

Huwag magpapigil

Sige lang hahakbangin

Ko ang daan

Patungo sa paikot-ikot

Kong landasin

Para sa buhay na

Aking nais maabot

Hindi na hihinto

Akin na 'to

Akin na 'to

Ang pangarap ko

Akin na 'to

Akin na 'to

Buhay na aking binubuo

Akin na 'to

 

Akin na 'to

Popular Songs