Listen to Uminom Nalang Tayo (Explicit) song with lyrics from Dice 1ne

Uminom Nalang Tayo (Explicit)

Dice 1ne, Urz Sarmiento, Hydro23 Dec 2022

Uminom Nalang Tayo (Explicit) Lyrics

Uminom Nalang Tayo (Explicit) - Dice 1ne/Urz Sarmiento/Hydro

Lyrics by:El Jhon Kenneth D.Gaon

Composed by:Dice 1ne/El Jhon Kenneth D. Gaon

HYDRO:

Uminom nalang tayo

Kung pagod kana di naman masamang magpahinga kahit papano

Huwag ka jan padadaig

Uminom nalang tayo

Kung pagod kana pwede mo namang ipasa kasabay ng baso

Huwag ka jan padadaig

URZ SARMIENTO:

Nandyan ka nnman siguro sa isang linggo may isang beses ka laging nasasaktan

Inuman nnman sigurado na ilang beses mo nnman babanggiting ayaw mo nang

Mag mahal ulit kasi laging ganto ganyan paulit ulit lang wala na bang katapusan

Tumagay ka nalang tol ang dami mong alam sa ginagawa mong yan damay damay malamang

Maga na yung mata mo sa kaiiyak pero panay ang tawa mo pag nakakahipak

Hibang ka na siguro pare di ko lang tiyak maka

Chamba ka nawa sa susunod mong kabiyak

Kasi pagka nabiyak nanaman nako iyak nnamn ako sayo malamang nito sibak

Ang atay ko sa wala nnmang katapusang kwento ng pagmamahal mong binalewala nya lang

HYDRO:

Uminom nalang tayo

Kung pagod kana di naman masamang magpahinga kahit papano

Huwag ka jan padadaig

Uminom nalang tayo

Kung pagod kana pwede mo namang ipasa kasabay ng baso

Huwag ka jan padadaig

DICE 1NE:

Bakas nanaman sa mga mata mo iyang dinadala

Alam ko na kung san nanaman tayo papunta

Sige ibuhos mong lahat hanggang matuto ka

Karanasang alam kong mas mapait pa saaiting tinutungga

Sige simulan mong ibahagi ang lahat

At saluhin ang mga payo kong di masarap

Sa pandineg hanggang sa mabatid mo nang sapat

Sinarado mong puso sa taong di ka tanggap

Sige magpakalunod ka lang sa alak

Kinabukasan ay sakit sa ulo nalang dapat

Sigaw mo lang lahat ng mga yan sa tabing dagat

Hanggang ang yong sarili ay muli nang mahanap

Hindi mo para bitbitin yan mag isa

Oo bawal ang sumuko pero di magpahinga

Tandaan mo lang katulad ng kasabihan nila

Ang pag ibig parang alak dapat karin magtira jan sa sarili mo

HYDRO:

Uminom nalang tayo

Kung pagod kana di naman masamang magpahinga kahit papano

Huwag ka jan padadaig

Uminom nalang tayo

Kung pagod kana pwede mo namang ipasa kasabay ng baso

Huwag ka jan padadaig

Uminom nalang tayo

Kung pagod kana di naman masamang magpahinga kahit papano

Huwag ka jan padadaig

Uminom nalang tayo

Kung pagod kana pwede mo namang ipasa kasabay ng baso

 

Huwag ka jan padadaig

Popular Songs