Listen to Bituing Walang Ningning song with lyrics from Sharon Cuneta

Bituing Walang Ningning

Sharon Cuneta3 Apr 2019

Bituing Walang Ningning Lyrics

Bituing Walang Ningning - Sharon Cuneta

Lyrics by:Willy Cruz

Composed by:Willy Cruz

Kung minsan ang pangarap

Habambuhay itong hinahanap

Bakit nga ba nakapagtataka

'Pag ito ay nakamtan mo na

Bakit may kulang pa

Mga bituing aking narating

Nguni't langit ko pa rin ang iyong piling

Kapag tayong dalawa'y naging isa

Kahit na ilang laksang bituin

'Di kayang pantayan ating ningning

Balutin mo ako ng hiwaga ng iyong pagmamahal

Hayaang matakpan ang kinang na 'di magtatagal

Mabuti pa kaya'y maging bituing walang ningning

Kung kapalit nito'y walang paglaho mong pagtingin

Itago mo ako sa lilim ng iyong pagmamahal

Limutin ang mapaglarong kinang ng tagumpay

Sa piling mo ngayon ako'y bituing walang ningning

Nagkukubli sa liwanag ng ating pag-ibig

Nagkukubli sa liwanag at kislap ng ating pag-ibig

Popular Songs