Listen to Pagkakaibigan song with lyrics from Hangad

Pagkakaibigan

Hangad, Lance Lazatin21 Aug 2015

Pagkakaibigan Lyrics

Pagkakaibigan - Lance Lazatin

Ang sino man sa Aki'y mananahan

 

Mananahan din Ako sa kanya

 

At kung siya'y mamunga nang masagana

 

Siya sa Ama'y nagbigay ng karangalan

Mula ngayon kayo'y Aking kaibigan

Hinango sa dilim at kababaan

Ang kaibiga'y mag-aalay ng sarili niyang buhay

Walang hihigit sa yaring pag-aalay

 

Kung paanong mahal Ako ng Aking Ama

 

Sa inyo'y Aking ipinadarama

 

Sa pag-ibig Ko kayo sana ay manahan

 

At bilin Ko sa inyo ay magmahalan

Mula ngayon kayo'y Aking kaibigan

Hinango sa dilim at kababaan

Ang kaibiga'y mag-aalay ng sarili niyang buhay

Walang hihigit sa yaring pag-aalay

Pinili ka't hinirang upang mahalin

Nang mamunga't bunga mo'y panatilihin

Humayo ka't mamunga nang masagana

Kagalakang walang hanggang ipamamana

Mula ngayon kayo'y Aking kaibigan

Hinango sa dilim at kababaan

Ang kaibiga'y mag-aalay ng sarili niyang buhay

 

Walang hihigit sa yaring pag-aalay

Popular Songs