Listen to Hanggang Kailan, Hanggang Saan song with lyrics from Gary Granada

Hanggang Kailan, Hanggang Saan

Gary Granada1 Feb 2012

Hanggang Kailan, Hanggang Saan Lyrics

Hanggang Kailan, Hanggang Saan - Gary Granada

Written by:Gary Granada

 

Sa isang yugto ang rosas ay

 

Matutuyo mamamatay

 

Katulad ng marami nang sumpaan

 

Sa isang puwang ng hininga

 

Nagbago ang isa't isa

 

May aalis at may isang iiwan

 

Tayo kaya ay magtatagal

 

O singikli ng isang kanta

 

Gaano kaya kung magmahal

 

Hanggang kailan hanggang saan sinta

 

Sa isang iglap magbabalik

 

Sa isang sulyap sa isang halik

 

Maya maya ay minsan pang lilisan

 

Minsang sumpa'y nakakalas

 

At sugat ay dumadalas

 

Paano pa paano lulunasan

 

Tayo kaya mangangako pa

 

Kung ang tamis di na madama

 

Dapat kaya dapat pa ba

 

Hanggang kailan hanggang saan sinta

 

Hangga't buo pa ang daigdig

At puso ko ay may pintig

 

Hangga't mayrong saysay ang kasaysayan

 

Ang tagginaw at tagtuyot

 

Ang tagpanglaw at taglungkot

 

Sa piling mo'y aking makakayanan

 

Hanggang tilas ay magbagong anyo

 

Hanggang sila'y maging paruparo

 

Giliw sana'y pagibig mo

 

Katulad ng pagibig ko sa iyo

 

 

Hanggang ako't ika'y naririto

Popular Songs