Biyaheng Langit Lyrics
Biyaheng Langit - Bukas Palad Music Ministry
Written by:Anonymous
Weya
Weya
Weya
Weya
We
Ipagbunyi ang taong mapagpalaya
Patunugin ang tambuli ng galak
Gawing banal ang sansinukuban
Sa kagandahang loob niyang dumatal
Kalagan ang lahat ng mga bihag
Ang inusig ng makapangyarihan
O bayan ng diyos ay palayain
Sa mga bisig ng gahaman
Bayan buong siglang ipahayag ang pagparito ng diyos nating dakila
Pag ibayuhin ang ginhawang dulot ng balitang mapagpalaya
We ya he he henaya
Sumulong tayo sa lupang pangako at kapit bisig tayong maglakbay
Katarungan ni yahweh itaguyod laban sa panlilinlang
Puksain ang ugat ng pagkabulag at durugin ang mga tanikala
Ipahayag na ngayon ay mamamayani kagandahang loob ng diyos
Bayan buong siglang ipahayag ang pagparito ng diyos nating dakila
Pag ibayuhin ang ginhawang dulot ng balitang mapagpalaya
Yeaah heyyy yeahh heyahh yeeaahhh
Bayan buong siglang ipahayag ang pagparito ng diyos nating dakila
Pag ibayuhin ang ginhawang dulot ng balitang mapagpalaya
Bayan buong siglang ipahayag ang pagparito ng diyos nating dakila
Pag ibayuhin ang ginhawang dulot ng balitang mapagpalaya
Laya
Laya
Balitang mapagpalaya