Sa Malayong Silangan Lyrics
Sa Malayong Silangan - Various Artists
Written by:Cesar Saro Bañares
Iguhit mo ako ng isang magandang pook ng simbahang nakatayo
Sa ibabaw ng bato
Ating ipapakita ang kahoy na may pugad
Naduyan ng hangin sa ibabaw ng ulap
Sa paglubog ng araw biyoletang hapon
Sa kintab ng dahon
Bituwin sa itaas
At sa iyong paligid
Sa anino ng sigag
Mga matang nagmamasid hindi mo nakikita
Sa iyong pagkukuwento
Iyong isalaysay ang nangyari sa bayan ng naiwan ni Rizal
Ano ang habilin ng taong sugatan
Sa taong naligid ng kandila't bulaklak
At aking ipapakita isang taong gahaman
Na balot ng putik na nanggaling sa ulan
Hanggang sa panaginip ay mabasa na rin
Naiwan sa kanal sa tubig ng bansalan
Saan naroroon ang fiesta ang tinanong
Ng aking kababayan
Sa aming pagsalubong
Ako ay pababa na sa pinanggalingan
Ng nais mong marating
Duon sa bayan sa malayong silangan
Kung saan naroroon kung nasaan ka man
Isang magandang pook
Kung nasaan ka man
Duon
Sa malayong silangan