Ano Ba Talaga Tayo? Lyrics
Ano Ba Talaga Tayo? - The Juans
Lyrics by:Joseph Rafael Cruz/Carl Guevarra/Japs Mendoza/Chael Adriano
Composed by:Joseph Rafael Cruz/Carl Guevarra/Japs Mendoza/Chael Adriano
Produced by:Japs Mendoza/Bryle Aaron Tumaque
Ilang buwan nang magkausap 'di pa rin sigurado
Laging napapaisip kung ano ba talaga tayo
Katulad ka lang ba ng iba?
Kung kailan nasanay na biglang mawawala?
Pakiusap lang sabihin mo
Ano ba talaga tayo?
Pag-usapan natin 'di yung malabo
'Di malaman kung saan ba patungo
Ngayon ako ay naguguluhan
Ano ba talaga tayo?
Sa akin nga ba ay 'di pa sigurado?
Kung may iba ay 'wag mo nang itago
Sawa na ako sa palaisipan
Ano ba talaga tayo?
Ano ba talaga tayo?
Malungkot ka lang ba kaya?
Sa akin lumalapit ka
Iiwanan na lang ba na sugatan?
'Di naman kita minamadali
Siguro takot lang akong muling magkamali
Sino ba ako para sa 'yo?
Ano ba talaga tayo?
Pag-usapan natin 'di yung malabo
'Di malaman kung saan ba patungo
Ngayon ako ay naguguluhan
Ano ba talaga tayo?
Sa akin nga ba ay 'di pa sigurado?
Kung may iba ay 'wag mo nang itago
Sawa na ako sa palaisipan
Ano ba talaga tayo?
Puno ng tanong walang kasagutan
Heto ako hindi makausad
Kung ito man ang hangganan
Tumingin sa 'king mata
Sabihin mo kung
Ano ba talaga tayo?
Pag-usapan natin 'di yung malabo
'Di malaman kung saan ba patungo
Ngayon ako ay naguguluhan
Ano ba talaga tayo?
Sa akin nga ba ay 'di pa sigurado?
Kung may iba ay 'wag mo nang itago
Sawa na ako sa palaisipan
Ano ba talaga tayo?
Ano ba talaga tayo?