Paalam Na Lyrics
Paalam Na (再见) - Marco Sison
Written by:Ben Escasa/Marco Sison/Ben Escasa, Marco Sison
Nais ko lang malaman mo
Ang laman ng aking puso
Baka di
Na mabigyan
Ng isang pagkakataon
Na sabihin ito sa 'yo
Di ko ito ginusto
Na tayo'y magkalayo
Nguni't di magkasundo
Damdamin laging 'di magtagpo
Paalam na
Aking mahal
Kay hirap sabihin
Paalam na aking mahal
Masakit isipin
Na kahit nagmamahalan pa
Puso't isipa'y magkaiba
Maaring 'di lang laan
Sa isa't isa
Sana'y huwag mong isipin na
Pag ibig ko'y di tunay
Dahil sa 'yo lang
Nadama ang isang
Pag ibig na walang kapantay
Nguni't masasaktan lang
Kung puso ang pagbibigyan
Kahit pamamaalam
Ang siyang bulong ng isipan
Paalam na aking mahal
Kay hirap sabihin
Paalam na aking mahal
Masakit isipin na kahit
Nagmamahalan pa
Puso't isipa'y magkaiba
Maaring 'di lang laan
Sa isa't isa
Paalam na aking mahal
Kay hirap sabihin
Paalam na aking mahal
Masakit isipin na kahit
Nagmamahalan pa
Puso't isipa'y magkaiba
Maaring 'di lang laan
Sa isa't isa