Listen to FULLCLIP (Explicit) song with lyrics from Apekz

FULLCLIP (Explicit)

Apekz, Flow G15 Mar 2024

FULLCLIP (Explicit) Lyrics

FULLCLIP (Explicit) - Apekz/Flow G

Lyrics by:Mark Anthony Parizal Cadiente/Archie Dela Cruz

Composed by:Mark Anthony Parizal Cadiente/Archie Dela Cruz

Produced by:Yung Bawal

Wala tong dulo kaya bakit di ko sasagarin

Suntok sa buwan

Kaya pati araw sasapakin

Pakiramdam ko nagawa ko na ang dapat gawin

Nangyari nang mga balak pero may bala pa rin

Kahit gumana na yung plano ay may gana pa rin

Asa ka men

Hinding hinding hindi tatamarin

Pakiramdam ko nagawa ko na ang dapat gawin

Nangyari na mga balak pero may bala pa rin

Araw araw nangungutang ng tulog puro na puyat

Yung sulat di masukat laging pampudpuran ng utak

Tulak parin ng tulak lalo ramdam kong umuusad

Ganun talaga siguro pagka pangarap mo lampas ulap

At ayoko masanay na makatikim ng puri

Baka mabusog yung gutom ko jusko ako din ang lugi

Bago pa man nakilala andami nang gustong masulit

Ngayon namang nakilala na ko ang gusto ko na ay maikukit

Ang pangalan kong dala

Lalo ngayong dito ko dinala

At bago pa matabunan mag marka

Kahit mga bagay na hindi na dapat ginawa ay

Ginawa kasi pakiramdam ko para dito ako ginawa

Kung usapang sipag yung sampu ay sinasampu ko

Andaang porsyento lagi para puro

Nung natuto mas tumutok mas natuto sinapuso

Sinaulo lahat ng pwede kasi sabi sa kuro-kuro wala tong dulo

Kaya bakit di ko sasagarin

Suntok sa buwan

Pero pati araw sasapakin

Pakiramdam ko nagawa ko na ang dapat gawin

Nangyari nang mga balak pero may bala pa rin

Kahit gumana na yung plano ay may gana pa rin

Asa ka men

Hinding hinding hindi tatamarin

Pakiramdam ko nagawa ko na ang dapat gawin

Nangyari na mga balak pero may bala pa rin

Magmano ka muna saken bago ka magmagaling

Sa oras na maging bituin hirap ka ng matahin

Laging tinatalo yung tao sa harap ng salamin

Gulong ay makapit kahit malayo na ang narating

Lumusot sa butas ng karayom walang kupas ang tela

Dahil ang makina puno ng mga makukulay na letra

Lapis upuan lamesa

Naging puhunan sa gera

Kinalabit ko na ang gatilyo

Habang puro ka teka

Nakaabang sa pagkadapa

Asa ka pa para kang tanga

Mga talangkang walang magawa naghahanap ng kasama sa baba

Hindi na kailangan pa na mag abala

Kusa naman na mawawala

Walangmakakadama

Tingnan mo bandang huli sila pa yung mga nakakatawa

Palaging puno ang tangke sa napiling daanan

Hindi hahayaan may makinabang sa pinaghirapan

Hindi mapapagod malabong matakot sa laban wala ng atrasan

Lilipad ng matayog kahit na umabot pa hanggang kalawakan

Popular Songs