Kelan Ba? Lyrics
Halos 'di na makatulog
Dahil nangungulila sa 'yo
Hinahanap-hanap ka ng yakap mo
Pahinga saglit sa mundong magulo
Lumipas na ang apat na buwan
Umaasa pa rin na ika'y mahagkan
Akala natin isang linggo lang
Sinulit na sana kung alam ko lang
Kung alam ko lang
Makakauwi ka rin sa 'kin
Kahit pa matagal
Ikaw ay hihintayin
Gano'n kita kamahal
Kailan ba kailan ba
Araw-araw kang kausap
Pero parang 'di pa rin sapat
Nasanay na kasama ka
Ang hirap tuloy ngayon mag-isa
Kailan ba makakasama
Kasi parang matagal pa
Tiis-tiis na lang muna
Babawi rin 'pag pwede na
Makakauwi ka rin sa 'kin
Kahit pa matagal
Ikaw ay hihintayin
Gano'n kita kamahal
Ilang tulog pa ba
Hanggang sa makita kita
Ilang tulog pa ba
Hanggang sa makita kita
Makakauwi ka rin sa 'kin
Kahit pa matagal
Ikaw ay hihintayin
Gano'n kita kamahal
Pwede bang humiling kahit saglit
Na ika'y makatabi
Mayakap saglit hintayin
Kailan ba kailan ba ulit