Awit Ng Bahaghari Lyrics
Awit Ng Bahaghari - Noel Cabangon
Written by:Noel Cabangon
Darating din ang bukas
Sisikat din ang araw sa kalangitan
Hahawiin ng liwanag ang mga ulap
Mga agam agam
At mga alinlangan
Babalik din ang dating sigla
Uusbong din ang mga binhing ipinunla
Manunumbalik ang ngiti at saya
At mapapawi kawalang nadarama
May pag asang darating
Hatid ng ihip ng hangin
May pag asang darating
Hatid ng bahaghari
May pag asang darating
Kasama mo ako
Sa mga paghamon mo
Kasama mo ako
Sa muling pagbangon mo
Abot tanaw ko na ang bagong umaga
Abot kamay ko na ang bagong pag asa
May pag asang darating
Hatid ng ihip ng hangin
May pag asang darating
Hatid ng bahaghari
May pag asang darating
Hatid ng ihip ng hangin
May pag asang darating
Hatid ng bahaghari
Kasama mo ako
Sa mga paghamon mo
Kasama mo ako
Sa mga pangarap mo
Kasama mo ako
Sa mga paghamon mo
Kasama mo ako
Sa muling pag bangon mo
Oooohhh oooooohhh oooooohhh
Ooooohhh oooooh oooohhhh
May pag asang darating