Listen to 4ever U song with lyrics from SAWNDASS

4ever U

SAWNDASS, Jr Crown, Honcho20 Mar 2025

4ever U Lyrics

4ever U - SAWNDASS/Jr Crown/Honcho

Lyrics by:Dan Leo Gadaoni Villanea/Mark Ezekiel Maglasang

Composed by:Dan Leo Gadaoni Villanea/Mark Ezekiel Maglasang

Produced by:SAWNDASS/Clinxy Beats

Oo wala nang papalit sa'yo

Oo wala na

Oo wala na

Oo wala nang papalit sa'yo

Wala nang papalit sa'yo

At panghawakan mo lang ang pag-ibig ko

Panghabambuhay na ito

At kahit na madalas man 'di magkasundo

Madalas mang magtalo pero sa'yo pa rin ako

Kasi wala nang papalit sa'yo

Kasi panghabambuhay na sa'yo ohh ohh

Sa dinami-dami ng pinagdaanan natin

Walang sinuman ang pwede pumalit pa sa'yo

Kahit malakas kang mag-toyo

Madalas 'di magkasundo

Ay sa'yo pa rin naman ako tulad 'nung una

Kung pa'no kita nakuha walang duda

Sa pagmamahal hanggang sa tayo'y magkabunga

Kaya kahit anong dumating man

Na pagsubok sabay nating

Haharapin nang walang alinlangan

Sa'yo at sa akin ka lang

Basta laging tandaang ikaw lang ang laman

Ng puso ko habambuhay magpakailanman

Kasi sa'yo lang ako nagkagan'to ohh ohh

Dito sa puso ko

'Di ko man sadya na ibigin ka 'di ko man sadya

Kahit na paulit-ulit ibalik sa simula

Paulit-ulit pipiliin ka

Wala nang papalit sa'yo

At panghawakan mo lang ang pag-ibig ko

Panghabambuhay na ito

At kahit na madalas man 'di magkasundo

Madalas mang magtalo pero sa'yo pa rin ako

Kasi wala nang papalit sa'yo

Kasi panghabambuhay na sa'yo

Wala nang papalit sa'yo

Mula dati alam ko na tayo ay pinagtagpo

Para sa'kin ka nakatadhana at ako'y sa'yo naman

Para bang Eba't Adan

Padami ng padami hindi nababawasan ang pagmamahalan

Walang hangganan

At kahit sa anumang panahon

Mamahalin kahit mataon

Mawala na ako't mabaon na sa lupa dala ko ang iyong

Pagmamahal sa akin

Daan para muli kang hanapin

Kahit na abutin pa sa kabilang buhay

Maglalakbay sa malayo para muli lang mapasa akin

Gusto lang kitang yakapin

Damahin ang hangin

Buti na lang ikaw ay napasa akin

Kaya habang ako ngayon baby ay nandito pa

Araw-araw ipapadama ko na

Mahal kita

Wala nang papalit sa'yo

At panghawakan mo lang ang pag-ibig ko

Panghabambuhay na ito

At kahit na madalas man 'di magkasundo

Madalas mang magtalo pero sa'yo pa rin ako

Kasi wala nang papalit sa'yo

 

Kasi panghabambuhay na sa'yo ohh ohh

Popular Songs