เนื้อเพลง Paano
Paano - Dulce
Paano kung wala ka na
Paano ba ang magisa
Mula nang makasama ka
Kung paano'y limot ko na
Paano ang pag ibig ko
Kung di rin lang laan sa 'yo
Ang buhay ng ating mundo
Di ko alam kung paano
Bago ka lumisan sana'y maturuan mo
Na iwasan ang bawat nakasanayan ko
At limutin na ang maghintay lagi sa 'yo
Paano ba ito
O kay daming bagay na hindi ko na alam
Tulad ng lumuha at sa 'yo ay magdamdam
Dahil naniwalang labis mo akong mahal
Laman ng bawat mong dasal
Paano'ng aking gagawin
Kung di mo na ako pansin
Kung ito'y panaginip din
Paano ba ang magising
Bago ka lumisan sana'y maturuan mo
Na iwasan ang bawat nakasanayan ko
At limutin na ang maghintay lagi sa 'yo
Paano ba ito
O kay daming bagay na hindi ko na alam
Tulad ng lumuha at sa 'yo ay magdamdam
Dahil naniwalang labis mo akong mahal
Laman ng bawat mong dasal
Paano ba aking mahal
Paano ba mahal
เกี่ยวกับเพลงนี้ :
Paano จาก Dulce ปล่อยเมื่อวันที่ 2 เม.ย. 2019. ฟังเพลง Paano พร้อมทั้งเนื้อเพลงโดย Dulce. ดาวน์โหลด JOOX Application เพื่อฟังเพลง Paano และ ดูมิวสิควีดีโอเพลง Paano แบบ online ได้ทันที!
Tags ที่เกี่ยวข้อง :
Paano (โดย Dulce), Paano, Paano มิวสิควีดีโอ, Paano เนื้อเพลง, Dulce เพลง